DAGUPAN CITY- Nakapagtala ang San Fabian Commission on Election Office sa huling dalawang araw ng 10 naghain ng kandidatura para sa Local and Midterm Election sa Mayo 12, 2025.

Ayon kay Ms.Eva Quinto, ang Comelec Officer ng naturang bayan, na simula nung October 1 sa unang araw ng filing of certificate of Candidacy ay nakapaghain na ang incumbent mayor na si Mayor Marlyn Espino Agabyani kasama ang buong line up nito at inaasahan na lamang din nila ngayon huling araw kung sino pa ang mga nagnanais na magpapasa ng kanilang kandidatura.

Mananatili namiang bukas ang kanilang opisina hanggang alas singko ng hapon at anya pagkatapos ng filing of certificate of candidacy isusunod na rin nilang gawin ang mga iba pang hakbangin na nakalatag kaugnay sa Election 2025.

--Ads--

Samantala, nasa 56, 515 na ang bilang ng mga rehistradong botante sa naturang bayan at mayroon na lamang na 1, 304 pa ang natitira para sa approval na nakatakda naman a October 14 ang pag-aabruba pa sa ibang mga nagparehistro.

Dagdag pa nito na nananatiling maayos at tahimik naman ang kanilang bayan kaugnay dito at hindi rin nagkaroon ng problema sa mga nagpapasa ng kanilang dokumento.

Nakipag-ugnayan rin sila sa San fabian PNP para sa pagpapantili ng seguridad ng mga aspirant at lalong Lalo na ang bayan habang papalapit ang eleksyon.