Patuloy ang paghahanda ng Mexico para sa nalalapit na FIFA World Cup 2026, kung saan magsisilbi itong isa sa mga host countries.

Ayon kay Julius Besejos Lerdon, Bombo International News Correspondent sa Mexico, tuloy tuloy ang preparasyon ng Mexico kasama na rito ang pag papaganda sa mga tourist facilities dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga turista sa napakalaking sporting event sa mundo.

Kabilang din sa mga inihandang proyekto ang pagpapabuti ng seguridad at pagsasaayos sa transport infrastructure gaya ng pagtatayo at pag-upgrade ng ilang train stations upang mapabilis ang daloy ng mga turista at lokal na manonood.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nagiging mahigpit na rin ang Mexico sa pagpapasok sa mga turista.

Inaasahan na kasi ng Mexico ang pagdagsa ng mga turista sa mga kilalang destinasyon nito, kaya’t pinaghahandaan din ang sektor ng turismo.

Samantala, bantay sarado rin ng federal police, military units kasama ang national guards ang mga stadium, airports,hotel at train. station.
Inapgrade din ang communication system upang maging mabilis ang access at koordinasyon ng mga tao.

May humigit-kumulang 13 laban ang gaganapin sa tatlong lungsod ng bansa bilang bahagi ng torneo.

Magsisimula ang mga laro sa Hunyo 11 at magtatapos sa Hulyo 19, 2026.hotel at train. station.

Inapgrade din ang communication system upang maging mabilis ang access at koordinasyon ng mga tao.

May humigit-kumulang 13 laban ang gaganapin sa tatlong lungsod ng bansa bilang bahagi ng torneo.

Magsisimula ang mga laro sa Hunyo 11 at magtatapos sa Hulyo 19, 2026.