Handa umano si former Duterte spokesperson Harry Roque na sagutin ang reklamong qualiffied tracking labam sa kaniya sa Department of Justice ngunit hindi aniya tiyak kung personal niya itong dadaluhan.
Sa isang online interview, sinabi ni Roque na maraming paraan upang sagutin ang mga reklamo mliban sa pagharap nito sa DOJ.
Matatandaan na pinatawan ng contempt si Roque ng House quad committee noong Setyembre matapos niyang bigong maibigay ang mga dokumento para sa imbestigasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations.
--Ads--
Bagaman kinokonsidera na siyang “fugitive”, idiniin ni Roque na ang warrant of arrest laban sa kaniya ay hindi galing sa korte.