DAGUPAN CITY- Dead on the spot ang sinapit ng isang 38 anyos na raider matapos sumalpok at magulungan ng kasunod na truck kaninang umaga sa bayan ng Calasiao
Ayon kay Pmaj Rodrigo Lubiano, DCOP Calasiao PNP, nangyari ang insidente bandang alas-7:30 ng umaga kanina araw ng Huwebes sa kahabaan ng national Highway sa Brgy. Bued.
Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, batay sa kuha ng CCTV sumagi ang motorsiklo matapos tangkaing mag overtake sa kasunod na jeep na naging sanhi para matumba ito. Sa kasamaang-palad, nagulungan pa ng kasunod na truck ang biktima na agad niyang ikinasawi.
Sa ngayon, Nasa kustodiya na ng Calasiao PNP ang driver ng truck para sa isinasagawang imbestigasyon.
Wala pang inilalabas na pahayag kung magsasampa ng kaso ang pamilya ng nasawi pero ayon sa pnp, hindi nagkasundo ang pamilya ng raider na makipag areglo sa pangyayari.
Posibleng Reckless imprudence resulting in Homicide ang isasampang kaso laban sa suspek.
Samantala, nilinaw ng pnp na patuloy na kinakalap ang mga ebidensya at kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy ang buong pangyayari.
Patuloy na pinaaalalahanan ng mga otoridad ang mga motorista na magdoble-ingat sa pagmamaneho lalo na sa mga mataong lugar at sa mga pangunahing lansangan.