DAGUPAN CITY- Nangunguna ang bayan ng Bolinao sa may pinakamaraming sako ng illegal na droga na natagpuan sa baybayin ng Pangasinan at isa rin sa may maraming bilang ng mga mangingisda nakadiskubre.

Batay sa pinakahuling datos nasa 38 sako ang kabuuang naisauli ng Snasa 37 mangingisda sa bayan kung saan isa ang barangay Balingasay sa ilang barangay dito na may maraming naisauli na aabot sa mahigit 20 sako.

Bukod sa Balingasay ay may mga nakitaan din sa mga barangay ng Luciente 1 at Concordia.

--Ads--

Ayon kay Punong Barangay Dalmacia M. Ulep ng Barangay Balingasay na lubos ang kanyang paghanga at papuri sa naging katapatan ng kanyang mga residenteng mangingisda sa pagsauli ng mga sako-sakong shabu.

Ipinagpasalamat nito ang pagiging tapat ng kanyang mga kabarangay kaya sinasabi nito na kapag may makita muling palutang-lutang sa dagat ay agad ipagbigay alam sa mga kinauukulan para sa tamang aksyon.

Binansagan niya ang mga mangingisda bilang bayani dahil sa pamamagitan nito ay maraming buhay ang maisasalba lalo na ang mga kabataan.

Pagbabahagi naman nito na sa unang pagkakadiskubre ng mga shabu ay nakaramdam siya ng takot lalo na noong nakuha pa ng sako sako.

Posible kasi aniya na masama ang magiging epekto o dulot nito sa kanilang barangay kung hindi naaksyonan agad at mapunta lamang sa masamang tao ngunit sa tulong ng mga otoridad ay hindi na sila natatakot sapagkat nasa likod nila ang mga ito na handang tumulong.

Samantala, patuloy naman ang hakbang na kanilang ginagawa para kung sakaling may makuha ulit sa dagat ay kanilang tututukan dahil hindi nila papayagang mailagay sa alanganin ang mga tao sa kanyang barangay tungkol sa posibleng paggamit ng illegal na droga.

Sa kabilang banda, muling nag-ikot ang mga tauhan ng PDEA Region 1 para sa pagpapatuloy ng kanilang isinasagawang information dissemination drive sa mga mangingisda at coastal barangay sa western part ng Pangasinan.

Matatandaan na kahapon ay binisita ang bayan ng Agno ngunit ngayon ay dumako sila sa bayan ng Bolinao.

Katuwang nila dito ang PNP Bolinao at Barangay Official sa pamumuno ni Kap. Ulep.

Bukod sa pagbibigay ng kaalaman at kamalayan sa tao ay nagpasalamat din sila sa naging katapatan ng mga mangingisda dahil sa ginawang aksyon sa natagpuang sako ng shabu ay maraming buhay ang naisalba lalo na ang mga kabataan.