Dagupan City – Itinalaga ng Bayambang PNP ang mga pulis sa bawat 77 barangay ng bayan o “Pulis sa Baranggay” upang tiyaking may mabilis na tugon sa anumang insidente o pangangailangan ng seguridad.

Ayon kay PLT. COL. Rommel Bagsic, hepe ng Bayambang PNP, responsibilidad ng bawat barangay captain na kilalanin at makipag-ugnayan sa nakatalagang pulis sa kanilang lugar upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa kanilang nasasakupan.

Sa ilalim ng programang ito, may nakatokang pulis sa bawat barangay na direktang makikipag-ugnayan sa barangay captain o hepe ng barangay.

--Ads--

Bahagi ito ng seryosong pagpapatupad ng mas pinaigting na ugnayan sa pagitan ng pulisya at mga barangay opisyal upang mapabilis ang aksyon sa mga concern na nangangailangan ng agarang interbensyon ng kapulisan.