Dagupan City – Proyektong kalsada na nagkakahalaga ng 16 milyon piso sa Barangay Bacayao Sur, 70% nang natapos: Pagtatapos ng proyekto, inaasahan sa unang bahagi ng Mayo
Malapit nang matapos ang proyekto na daanan papasok sa Barangay Bacayao Sur partikular sa sitio boquig.
Ayon kay Kapitan Michael Taminaya ng nasabing barangay nasa 70 % na itong tapos kung saan nagsimula ang paggawa ng daan noong nakaraang taon.
Natagalan lang ito aniya dahil sa pagbaha na tumagal ng halos tatlong buwan kaya naging dahilan ng pagka-delay ng proyekto, ngunit ngayon ay patuloy na itong ginagawa ng mga manggagawa.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng halos 16 milyong piso at umaabot ng 300 metro ang haba ng daan.
Bukod dito mula alas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi ay pinababantayan niya ito sa ilang mga tauhan ng barangay para magmando ng trapiko dahil medyo makipot ang daanan papasok sa kanila na nagsasanhi ng trapiko lalo na sa mga oras na maraming dumadaan.
Idinagdag niya na malaking ginhawa ang maidudulot kapag matapos na daan sa mga residente at mga dumadaan lalo na tuwing tag-ulan.
Samantala, kapag natapos aniya ito, plano ring simulan ang susunod na bahagi ng pagpapagawa ng mga daan sa barangay upang maiwasan ang pagbaha sa ilang kalsada papasok sa kanilang Barangay.










