Dagupan City – Nagresulta sa pagkakadakip ng 212 indibidwal sa 65 operasyon ng Police Regional Office 1 mula Enero 1 hanggang Pebrero 19, 2026 dahil sa pinaigting na kampanya kontra illegal na sugal sa Rehiyon.
Naging Aresibo ang mga awtoridad sa pagsugpo sa iba’t-ibang uri ng ilegal na pagsusugal sa rehiyon sa utos ni Regional Director PBGEN Dindo R. Reyes kung saan nakumpiska ang P121,912.00 na perang pusta at iba pang ebidensya.
Kabilang sa mga operasyon, 32 ang isinagawa mula Enero 1-31, 2026 laban sa card games, salisi, color game, video karera, at cara y cruz, na nagresulta sa pagkakasamsam ng P56,730.
Samantala, 33 operasyon ang isinagawa mula Pebrero 1-19, 2026, kung saan 27 ang tumugon sa mga nabanggit na uri ng sugal, at 6 ang sumugpo sa illegal number games tulad ng jueteng at bookies, na nagresulta sa pagkakasamsam ng P65,182.
Dahil dito, pinapaalalahanan ang publiko na ang pagsusugal ay ilegal at may kaakibat na parusa dapat umanong makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad, at iulat agad sa mga awtoridad ang anumang ilegal na aktibidad na nasasaksihan.










