Dagupan City – Pasok na sa quarterfinals ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam matapos na talunin si Jude Gallagher ng Ireland sa Round 16 ng men’s 57 kgs.

Ayon kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent Paris ng France, kapag magtagumpay ito sa quarterfinals round ay pasok na ito sa medal round kung saan tiyak na ang panalo nito sa bronze medal.

Kaugnay nito, nagtapos naman si Joanie Delgaco sa ikalimang Semifinal C/D sa kanyang penultimate regatta ng 2024 Paris Olympics women’s single sculls na ginanap sa Vaires-sur-Marne Nautical Stadium, dahil dito tatangkain umano ng Filipino Rower na tapusin ang kanyang race sa darating na August 2 sa nagpapatuloy na 2024 Paris Olympics.

--Ads--

Samantala, inilarawan naman ni Valdez ang naging pagtatapos sa pang-12 pwesto ni Carlos Yulo sa men’s artistic all-around finals ng Paris Olympics bilang isa sa mga binitawan ni Ferdinand Johann Franz Blumentritt kung saan ay inihalintulad niya ito kay Jose Rizal at binitawan nito ang katagang “Rizal was the greatest product of the Philippines and his coming to the world was like the appearance of a rare comet, whose rare brilliance appears only every other century.”