Magbabalik aksiyon si Pinay tennis star Alexandra “Alex” Eala ngayong Linggo para simulan ang kanyang kampanya sa Dubai Tennis Championships.

Sa Round of 64, makakatapat ng Filipina tennis standout si Hailey Baptiste ng Estados Unidos.

Kasalukuyang nasa ika-39 puwesto sa world rankings si Baptiste.

--Ads--

Bagama’t nagmula siya sa pagkatalo kontra kay Rebecca Sramkova, 3-6, 5-7, sa qualifying round, nabigyan pa rin siya ng puwesto sa main draw ng torneo.

Samantala, hangad ni Eala na makabawi matapos ang kanyang maagang paglabas sa Qatar Open noong nakaraang Lunes. Natalo siya sa unang round laban kay Tereza Valentova.

Inaasahang magiging mahigpit ang laban nina Eala at Baptiste, lalo’t kapwa determinadong makausad sa susunod na yugto ng kompetisyon.

Gaganapin mamayang alas 11 ng gabi ang naturang tapatan.