Aabante na saquarterfinals si Filipina Tennis Star Alex Eala matapos nitong talunin si Varvara Lepchenko ng Estados Unidos sa isang deciding set sa Guadalajara Open.

Naging dikit ang paghaharap ng dalawang tennis stars matapos masuspinde ang kanilang laro dala ng malakas na pag-ulan.

Nagtapos ang kanilang score sa 6(3)-7, 7-6(3), at 6-3.

--Ads--

Susunod naman na makakatapat ni Eala sa quarterfinal ay si Nicole Fossa Huergo ng Italy.

Samantala, pagkatapos ng Guadalajara Open ay sasabak si Eala sa Sao Paulo Open sa Brazil mula Setyembre 8 hanggang 14.