Dagupan city – Nagsagawa ng foot patrol operation ang mga tauhan ng Binmaley Municipal Police Station sa Binmaley Public Market sa Brgy. Poblacion bilang bahagi ng pagpapaigting ng police visibility at pagpapanatili ng seguridad sa bayan.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Lister A. Saygo.
Layunin ng operasyon na maiwasan ang mga kriminalidad at matiyak ang kaligtasan ng mga vendor, mamimili, at iba pang nagtutungo sa pampublikong pamilihan.
Naglibot ang mga pulis sa iba’t ibang bahagi ng palengke upang magbantay at makipag-ugnayan sa publiko bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa mas ligtas at maayos na komunidad.
Ayon sa Binmaley PNP, patuloy nilang paiigtingin ang mga kahalintulad na operasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan lalo na sa mga matataong lugar sa bayan.










