BOMBO DAGUPAN – Naitala sa lalawigan ng pangasinan ang pinakamalaking bilang ng mga insidente ng sunog.

Ayon kay ayon Fssupt. Eddie Jucutan, Assistant Regional Director for operations of BFP RO1 na karamihan sa mga ito ay residential fire.

Kung saan batay sa kanilang talaan mula 1st semester ng taong kasalukuyan, umabot sa 193 na sunog sa lalawigan, bunsod na din sa malaki nitong populasyon, kayat hindi na din aniya nakapagtataka bakit dito nagmula ang pinakamaraming insidente ng sunog.

--Ads--

Patuloy naman ang ginagawang hakbang ng kanilang himpilan upang masawata o mapababa ang bilang ng mga insidente ng sunog sa ating rehiyon, nariyan pa din ang pagpapaigting ng tinatawag na fire prevention.

Sa kasalukuyan ay sinikap na din nila ngayon na palawigin pa ang bawat fire station sa ating rehiyon ng sa gayon ay mas mapabuti pa ang pag rescue at pagbibigay serbisyo sa publiko.