DAGUPAN CITY– Kailangan ng matibay na ebidensya upang masabi na nagkaroon ng kilos protesta ang ilang mga Pilipino sa Qatar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Joy Mamacog, Bombo International News Correspondent sa Qatar, aniya, kahit na ang Philippine Embassy ay nagsabing suspected lang ito at hindi pa napapatunayan.

Ayon naman sa mga Pilipinong naroroon ay mahigit 100 na katao ang naroon at walang isinagawang pagkilos.

--Ads--

Kailangan aniya sa matibay na edidensiya upang masabi na totoo ang claims na nagkaroon ng kilos protesta.

Mensahe naman niya sa mga Pilipino na nasbaing bansa na walang dapat ipag-alala dahil nasa maayos na kalagayan ang mga kababayang nadetain.