Nakatakda nang palitan ang barko sa BRP Teresa Magbanua para sa pagpapatrolya sa Escoda Shoal.

Ito ang kinumpirma ni National Maritime Council Spokesperson Alexander Lopez. Sa kabila naman ng nasabing pahayag ay tumanggi naman munang ibahagi ng Philippine Coast Guard kung ano ang ipinalit sa BRP Teresa Magbanua.
Sa pahayag ni Lopez, sinabi nito na kasalukuyang naglalayag na ito kung kaya’t inaasahang makakarating na rin ang bisinidad ng Escoda shoal.

Ang pagpapadala ng panibagong barko ay kasunod ng ibinabang direktiba ni PCG Commandant Ronnie Gil Gavan.
Mahigpit din anya ang utos sa kanila ni Pangulong Bongbong Marcos, na panatilihin hindi lang ang physical presence/ kundi maging ang strategic presence ng Pilipinas sa lugar.

--Ads--

Isa naman sa mga modalities na ito ng AFP at PCG ay ang technical coverage, kung saan kaya pa rin nitong ma-monitor at ma-detect ang anumang illegal na aktibidad sa lugar.

Kasabay nito ay nakikipag ugnayan na rin sila sa mga kaalyadong bansa tulad ng Japan at US para sa naturang aspeto.