Pinangunahan ng Charity Riders for 1 PH (CR1PH), katuwang ang Pangasinan Police Provincial Office, ang dalawang araw na aktibidad na “SUGOD 2026: Amazing Ride” na naglalayong itaguyod ang responsableng pagmomotorsiklo at serbisyong pangkomunidad sa lalawigan ng Pangasinan.
Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng isang Motorcycle Riding Seminar.
Tinalakay sa seminar ang road safety, defensive riding, at tamang disiplina sa kalsada, na nilahukan ng mga motorcycle riders at iba’t ibang partner organizations.
Samantala, isinagawa rin ang charity ride na binagtas ang rutang Pangasinan PPO patungo sa bayan ng Dasol at sinundan ito ng clean-up drive at tree-planting activity.
Matagumpay na naisakatuparan ang “SUGOD 2026: Amazing Ride,” na naghatid ng malinaw na mensahe na ang responsableng pagmamaneho at serbisyo sa kapwa ay sama-samang pananagutan.










