Dagupan City – Nananatiling kalmado at mapayapa ang kabuuang sitwasyon sa lalawigan ng Pangasinan sa ilalim ng pamumuno ng mga opisyal ng pulisya sa rehiyon.

Ayon kay PBGen. Dindo Reyes, Regional Director PRO 1, maayos ang peace and order condition sa lalawigan dahil sa mahigpit na pamumuno ng Provincial Director at ng mga hepe ng pulisya sa kani-kanilang bayan.

Aniya, patuloy na ipinatutupad ng mga lokal na himpilan ang mga direktiba at polisiya na nagmumula sa pambansang pamunuan ng pulisya.

--Ads--

Binigyang-diin din na ang koordinasyon at pagsunod sa mga kautusan ng pambansang kapulisan ang susi upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa buong probinsya.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagbabantay at pagpapatrolya ng mga pulis sa iba’t ibang lugar sa Pangasinan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga residente.