Arestado ang isang 57-anyos na lalaki na wanted sa kasong frustrated homicide matapos isilbi ng mga tauhan ng Lingayen Police Station ang warrant of arrest laban sa kanya noong Mayo 26, 2026 sa Brgy. Poblacion, Lingayen,Pangasinan.
Kinilala ang naarestong suspek bilang isang may asawa, walang trabaho, at residente ng Bugallon.
Batay sa ulat, isinagawa ng mga tauhan ng Lingayen Police Station ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 38 sa Lingayen, Pangasinan noong Mayo 20, 2026 kaugnay sa kasong frustrated homicide.
May inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng P72,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Naitala rin umano ang pagpapatupad ng warrant gamit ang dalawang Alternative Recording Devices bilang bahagi ng standard operating procedure ng pulisya.
Matapos maaresto, isinailalim muna sa medical examination ang suspek sa Lingayen District Hospital bago dinala sa Lingayen Police Station para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.
Isasailalim din sa pag-update ang rekord ng naarestong indibidwal sa PNP E-Warrant at National Police Clearance System.










