DAGUPAN CITY- Patuloy na nagsasagawa ang Pamana Water District Dagupan City ng mga aktibidad ukol sa pagsasaayos ng mga tubo o linya ng tubig ng kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay Marge Navata, Spokesperson ng Pamana Water District Dagupan City, sunod-sunod ang mga ginagawang pagsasaayos upang masiguro ang mas maayos at serbisyo sa lahat ng kanilang consumers.

Aniya, may mga abisong isinasagawa kung saan, ukol sa kanilang mga aktibidad.

--Ads--

Bukod dito, regular din ang paglilinis ng mga tubo upang masiguro rin na malinis ang mga dumadaloy na tubig sa bawat kabahayan.

Samantala, nabawasan na rin ang mga naitatalang report ng kanilang tanggapan ukol sa mga nagnanakaw o nagunguha ng water meter.