Magdudulot umano ng impiyerno ang pagsali ng US sa mga pag-atake ng Israel.
Ayon kay Saeed Khatibzadeh, deputy foreign minister ng Iran, kung sasali ang Estados Unidos sa mga pag-atake ng Israel, magdudulot ito ng impiyerno sa buong rehiyon.
Ayon sa kanya, hindi ito digmaan ng Amerika, at kung makikialam si US pres. Donald Trump, siya ay maaalala bilang isang pangulong pumasok sa digmaan na hindi naman kanya.
Dagdag pa niya, ang pakikilahok ng US ay magpapalala sa kaguluhan, magpapatuloy sa agresyon, at magpapabagal sa pagtigil ng mga malulupit na karahasan.
Ibinigay niya ang mga pahayag na ito matapos tamaan ng Iranian missile attack ang Soroka hospital sa katimugang bahagi ng Israel.
Ayon sa state media ng Iran, isang pasilidad militar malapit sa ospital ang totoong target, at hindi ang mismong ospital.
Iniulat ng Ministry of Health ng Israel na 71 katao ang nasugatan sa pag-atake sa Soroka Medical Centre.
Samantala, sinabi ng militar ng Israel na tinarget nila ang mga nuclear site ng Iran, kabilang ang hindi aktibong Arak heavy water reactor at ang Natanz facility.