BOMBO DAGUPAN – Usaping pera ang isa sa nakikitang motibo sa pagpaslang sa dating kapitan ng barangay Gabon sa bayan ng Calasiao dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakilala ang mga biktima na sina Dexter Jimenez, isang dating barangay kapitan at ang asawa nitong si Maritez Jimenez.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Plt. Col. Ferdinand S. Lopez, chief of police ng Calasiao PNP, lumalabas sa kanilang imbestigasyon, nasa loob ng sasakyan ang mag-asawa nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

--Ads--

Dead on the spot ng biktima habang sugatan naman ang kanyang asawa at kasalukuyan nasa pagamutan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinaghihinalaang Caliber 45 ang ginamit na baril.

Sa ngayon ay tinitignan na rin ang mga CCTV footages sa lugar upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon sa mga kapulisan, wala itong kinalaman sa pulitika at kanilang tinitignan ang maaaring problema sa pera at personal na rason.