DAGUPAN CITY- Nagsimula nang magparehistro ang karamihan sa mga pedicab driver sa bayan ng Mangaldan upang makapamasada nang legal sa buong bayan, matapos ang ilang linggong paalala mula sa POSO Mangaldan.

Ayon kay Poso Chief ng Mangaldan na si Gerardo Ydia, impoundment na ang ipapataw sa mga driver na mahulihang pumapasadang hindi nakarehistro.

Kailangan ding magbayad ng 100 pesos kung nais i-comply ang mga pedicab na naimpound sakanilang opisina.

--Ads--

Sa ngayon ay iilan na lamang ang hindi pa nagpaparehistro dahil aniya kadalasan ay dahil inuuna nila ang pangangailangan ng kanilang pamilya para sa araw-araw na gastusin.