Dagupan City – Patuloy na umiigting ang tensyon sa Middle East at inaasahang magtatagal pa ang sigalot, ayon sa isang geopolitical observer.
Ayon kay Denmark Suede, mahalagang bantayan ang sitwasyon sa Strait of Hormuz—isang kritikal na rutang dinaraanan ng malaking bahagi ng pandaigdigang suplay ng langis na aniya’y saklaw ng international law tulad ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Iginiit din niya na ang mga operasyon ng US Navy sa rehiyon na nakabatay sa umiiral na international law.
Gayunpaman, binigyang-diin niya na hindi lamang tradisyunal na digmaan ang dapat tutukan kundi pati ang lumalaking banta ng cyber attacks, na maaari umanong magdulot ng mas malawak na pinsala.
Dagdag pa niya, bagama’t mas advanced ang kagamitang militar ng Estados Unidos kumpara sa China, nananatiling seryosong banta ang cyber warfare.
Sa aspeto naman ng labanan, sinabi niyang maaaring may kalamangan ang Iran sa estratehiya, ngunit nangingibabaw ang Amerika sa airpower.
Samantala, ani Suede nakikitaan naman na ang motibo ng Israel ay patuloy na lumalaban para sa sariling seguridad.
Binanggit din nito na si US President Donald Trump ay nahaharap sa pressure mula sa mga kaalyado tulad ng Saudi Arabia at Israel, lalo na sa gitna ng nagbabagong alyansa sa rehiyon.
Kasabay nito, nanawagan si Suede sa mga establisimyento partikular na sa bansang Pilipinas na may matataas ng presyo ng krudo na higpitan ang pagtitipid sa kuryente upang maiwasan ang posibleng kakulangan sa suplay ng enerhiya.










