Dagupan City – Isinagawa na ang paghahanda para sa pinakaaabangang patimpalak ng kagandahan o Beauty Contest sa San Carlos City kung saan isang bagong reyna ang inaasahang lilitaw upang maging mukha ng inspirasyon at malasakit ng lungsod.
Binibigyang-diin ng Miss San Carlos City 2026 organization ang kahalagahan ng kagandahang hindi lamang sa panlabas kundi higit sa lahat ay nagmumula sa pusong may layunin at malasakit sa kapwa.
Layunin ng patimpalak na maitanghal ang isang babae na magsisilbing huwaran ng kabataan at aktibong katuwang sa mga adbokasiya at programa ng pamahalaang lungsod.
Mula sa mga tagapag-organisa, ang susunod na magsusuot ng korona ay hindi lamang magtataglay ng talino at tindig, kundi ng kakayahang magbigay-inspirasyon at magpasimula ng makabuluhang pagbabago sa komunidad.
Inaasahang tampok sa kompetisyon ang pagpapakita ng talento, talas ng isipan sa question and answer portion, at ang pagsuporta sa mga proyektong makatutulong sa mga mamamayan.
Patuloy namang hinihikayat ng pamunuan ng lungsod ang suporta ng publiko sa patimpalak na sumasalamin kultura ng lungsod.










