BOMBO DAGUPAN- Ikinatuwa ng punong guro ng West Central Elementary School ang bagong tinalagang kalihim ng Department of Education.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Renato Santilla, Principal IV ng nasabing paaralan, pinapaniwalaan nila si Sen. Sonny Angara sa pagiging kalihim dahil sa pagiging Pro-Teacher nito.

Aniya, maganda sa kalagayan ng edukasyon ang batas na isinulong ng senador na pagpapataas ng sahod ng mga guro.

--Ads--

Ipapagpatuloy din aniya ni Angara ang mga nasimulang proyekto ng dating kalihim na si Vice President Sara Duterte.

Samantala, minumungkahi ni Santillan na tututukan ng bagong kalihim ang kalidad ng edukasyon.

Dapat din aniya mabigyan ng boses ang mga guro para sa kanilang kahilingan at sa pagpapabuti ng kanilang pagtuturo.