DAGUPAN CITY- Dapat na maging mapanuri sa mga ihahalal na opisyal at huwag itolerate ang vote buying.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Franks Sarmiento, Comelec Officer ng Dagupan City, maaaring isagawa ang warrantless arrest at citizen’s arrest ukol sa usapin sa vote buying.
Aniya, dapat ding isaalangalang ang kaligtasan ng mga onstituents bago isagawa ang ganitong mga hakbang.
Hindi lang aniya mga kandidato ang maaring kasuhan ukol sa vote buying pati na rin ang mga involved sa nasabing maling gawain.
Maganda ring madocument o makuhaan ng video ang isinasagawang gawain upang makapagbigay ng matibay na ebidensya at makasuhan ang mga dapat managot.
Dagdag niya, dapat na maging maselan sa mga ihahalal na opisyal upang mapaunlad pa ang ating pamayanan.