Mga kabombo! Isa ka ba sa mga taong nagbabanyo muna bago sumabak sa isang aktibidad?
Eh paano kung malaman mong isa pala itong epektibo at napatunayan na sa isang pag-aaral?
Ito kasi ang lumalabas sa isang pag-aaral kung saan ang pagpunta raw umano sa banyo ay makatulong sa iyung mas magandang performance.
Ayon sa bagong pag-aaral mula sa Taiwan, ang pagdumi bago sumabak sa isang mental o pisikal na pagsubok ay maaaring magbigay ng energy boost!
Sa eksperimento, 13 triathletes ang sumailalim sa isang cognitive test. Ang mga nagbawas muna sa banyo ay mas mabilis at mas tama ang sagot kaysa sa mga hindi.
Paliwanag ng mga eksperto, kapag wala nang “laman” ang tiyan, mas maraming enerhiya ang naitutok ng katawan sa utak at muscles, kaya mas alerto at mas malakas ang isang tao.
Kaya paalala ng mga eksperto, bago lumaban, siguraduhin munang mag-CR—baka ito ang game-changer na ‘di mo pa natutuklasan!