DAGUPAN CITY- Nagbago at nagiging bukas na ang bansang Saudi Arabia sa pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Teodor Nuevo Jr., Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, sa 12 taon na nitong nasa bansa ay kaniyang nakita ang pagbabago at pagyakap sa western culture nang magbago ang namamahala.
Aniya, sa ngayon ay nakikita na rin ang mga dekorasyon at fireworks sa tuwing holiday season.
--Ads--
At sa samahan ng Filipino Community ay nagsasama-sama sila upang magdiwang.
Aniya, dati ay sa pribado pa sila nagsasama-sama upang respetuhin ang kultura ng Saudi Arabia.
Ibinahagi rin ni Nuevo na kabilang sa kanilang inihahanda ay spaghetti, pancit, at manok. Maliban na lamang sa baboy dahil ipinagbabawal ito.