DAGUPAN CITY- Halos walang pagkakaiba ang selebrasyon ng Bagong Taon sa bansang Sri Lanka kung ikukumpara sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Priscilla Rollo Wijesooriya, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, hindi rin nawawala ang mga paniniwalang swerte ang paglalagay ng bigas at ang 12 pirasong mga bilog na prutas.
Gayundin sa paglalagay din ng mga itlog sa hapagkainan.
--Ads--
Aniya, hindi rin nawawala sa kanilang paniniwala ang paglalagay ng buong pera sa kanilang wallet.
Kinasanayan din sa bansa ang pagpupunta sa Templo bago sumapit ang bagong taon.
Aniya, nagkakaroon din ng mga putukan ng fireworks o pag-iingay sa tuwing pagsapit ng alas-dose ng madaling araw sa araw ng bagong taon.