Dagupan City – Giniba na ang isang iligal na estrukturang itinayo nang walang anumang permit o legal na awtoridad sa Sitio Bagong Barrio, Bonuan Binloc sa lungsod ng Dagupan.
Ang lupa ay maituturing na sakop ng lungsod at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) alinsunod sa Proclamation No. 98.
Bahagi kasi ng lupain na pinagtayuan ng nasabing ilegal na istruktura ng territorial jurisdiction ng Dagupan City at sakop din ng pamamahala ng DENR alinsunod sa Proclamation No. 98, na naglalarawan ng mga lugar na itinalaga para sa pampublikong kapakinabangan.
Pinagunahan ang operasyon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan kasama ang City Engineering Office, DENR CENRO at Philippine National Police (PNP) Dagupan.
Tinatayang umaabot sa 600 square meters ng pampublikong lupain ang inookupahan ng nasabing istruktura, habang ang mismong gusali ay may lawak na humigit-kumulang 80 square meters.
Idineklarang “public nuisance” ang estrukturang ito dahil sa kawalan ng anumang legal na dokumento o pahintulot para sa pagtatayo nito.
Dahil dito, Binibigyang-diin na ang pagtatayo ng mga istruktura sa pampublikong lupain nang walang permit ay labag sa batas at maaaring magdulot ng mga problema sa pagpaplano ng lungsod at sa seguridad ng mga mamamayan.









