DAGUPAN CITY- Sumiklab ang sunog sa isang canteen sa public market ng bayan ng Mangaldan dahil umano sa napabayaang lutuan.
Ayon kay FSINSP Armando Ramos ng Bureau of Fire Protection (BFP) Mangaldan, mabilis na rumesponde ang mga awtoridad matapos itong i-report ng isang concerned citizen. Sa kabutihang palad, naagapan agad ang sunog at wala nang naabutang apoy ang BFP.
Batay sa paunang imbestigasyon, ang pinagmulan ng sunog ay mula sa lutuan na naiwan at naging sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy.
May nakahanda naman na fire extinguisher na agad din ginamit ng isang concern citizen upang apulahin ang apoy bago pa ito lumaki.
Walang nasaktan sa insidente, ngunit nagbigay paalala si FSINSP Ramos na huwag iwanang walang bantay ang mga lutuan upang maiwasan ang mga ganitong insidente.