DAGUPAN CITY- Patuloy na tinututukan ng Department of Agriculture Region 1 ang ilan sa kanilang mga hakbang na maaaring gawin dahil sa naitalang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Alfiero Banaag, Chief Regulatory Division ng Department of Agriculture Region 1, ngayong taon ay mayroong isang baboy na naitalang may ASF sa Ilocos Norte.

Aniya, isang comercial farms ang lokayon ng pinagmulan nasabing baboy kung saan nagiigay ito ng breeder na biik.

--Ads--

Inaletro na rin aniya ang ilang mag hog raisers ukol sa nasabing kaso.

Sa ngayon sa sa bahagi ng Ilocos Norte pa lamang ang naitalang mayroong kaso.

Under surveillance na rin ang nasabing lugar upang hindi na kumalat ang sakit.