DAGUPAN CITY- Maigting na pinapairal ngayon ng lokal na pamahalaan sa bayan Manageterem ang curfew ordinance na pagbabawal sa mga kabataan na may edad labing walo (18) pababa ang paglibot, paglabas,pagpasyal , maglaro, o manatili sa mga kakalsdahan at sa mga barangay sa loob ng curfew period nang walang makatwirang dahilan.

Ang curfew hours isang municipal ordinance no. 03, series of 2022 at magsisimula ng alas dyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw kung saan layunin nito na maprotektahan ang bawat inidibwal mula sa mga posibleng panganib at kapahamakan sa gabi, mabawasan ang krimen at Itaguyod ang disiplina at responsibilidad sa mga kabataan.

Kaya panawagan nito sa kanilang mga nasasakupan na makiisa at sumunod sa kanilang mga ipinapatupad na ordinansa at mga alituntunin dahil para rin sa kanilang mga kapakanan.

--Ads--