Nilusob ng mga awtoridad ang ilang hinihinalang ilegal na pasugalan sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan at umabot sa humigit-kumulang 150 katao ang naaresto, kabilang ang isang barangay chairman at dating konsehal.

Isinagawa ang sabayang operasyon sa Manaoag, Rosales, Urdaneta, Calasiao at San Carlos City matapos ang dalawang linggong surveillance upang hindi makatakas ang mga sangkot.

Nakumpiska sa mga raid ang pera at iba pang gamit sa pagsusugal.

--Ads--

Nabatid na nagmula ang impormasyon sa PCSO na nag-ulat ng umano’y illegal numbers game.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa anti-illegal gambling law ang mga nahuli, at sasampahan din ng graft case ang barangay chairman.