Posibleng maharap si dating Ako Bicol Represenatative Zaldy Co sa deportation matapos itong maaresto sa Prague bilang undocumented alien dahil sa kanselado nitong pasaporte.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla, lumalabas na walang existing extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Prague dahilan para opisyal siyang maging unwanted alien sa loob ng naturang bansa at posibleng ma-deport sa ilalim ng mga naging pagabag nito sa immigration laws.
Hindi naman nagbigay ng eksaktong timeline ang kalihim kung kailan posibleng maibalik ng bans ang kalihim ngunit tiniyak na ginagawa na ng pamahalaan ang kanilang makakaya batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawin ang lahat ng nakikitang hakbang para mapabilis ang pagbabalik bansa ni Co.
Samantala, naghihintay naman sa pagbabalik ni Co ang mga booking procedures na siyang nakatakdang isagawa sa Philippine National Police (PNP) bago siya iharap sa Sandiganbayan para sa kaniyang mga nakabinbing mga kaso.










