Nakakaranas ng matinding epekto ang mga bangus farm sa Dagupan City dahil sa tumataas na temperatura na nagdudulot ng kakulangan sa oxygen sa tubig.
Dahil dito, mas mahigpit na binabantayan ng mga fish farmer ang kanilang palaisdaan upang maiwasan ang fish kill.
Ayon sa PAGASA, mas tumitindi ang heat index sa lugar dahil sa lokasyon nito malapit sa dagat.
--Ads--
Ilan sa mga nag-aalaga ng bangus ang naghahanda ng mga water pump at iba pang kagamitan para maagapan ang problema.
Samantala, sinabi ng mga grupo sa agrikultura na bumababa na ang produksyon at posibleng magtulak ng pagtaas ng presyo ng bangus sa merkado.










