Dagupan City – ‎Patuloy ang pagsusumikap ng lokal na pamahalaan ng San Fabian, Pangasinan upang palakasin ang kabuhayan ng kanilang mga magsasaka sa bayan.

‎Kasama sa mga programa ang pamamahagi ng native na baboy at kambing sa mga magsasaka.

Ayon kay Johnny Jugo Paraan, Municipal Agriculturist ng San Fabian, layunin nitong mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang mga magsasaka kapag tapos na ang kanilang cropping season.

Dagdag niya na posible ring isailalim ang proyekto sa roll-over scheme para sa pagpapalaganap ng lahi ng mga kambing sa buong bayan.

Sa kasalukuyan, ang mga plano ay nasa malalimang pag-aaral pa upang matukoy ang mga benepisyo at posibleng epekto nito sa komunidad.

Patuloy naman ang Municipal Agriculture Office San Fabian sa koordinasyon ng Lokal na pamahalaan para mas lalong palaguhin ang sektor ng agrikultura sa bayan kung saan aniya na maganda naman ang suporta ng mga opisyal sa mga planong inilalahad ng tanggapan para sa mga programang nais na palaguhin sa bayan.

--Ads--