Mga kabombo! Isa ka rin ba sa hindi mapakali kung ano ang ginagawa ng iyung partner kapag hindi mo ito kasama?
Baka ito na ang sign para itigil mo na iyan.

Nakulong kasi ang isang lalaki sa Japan matapos niyang tawagan ng 100 beses at i-phone stalk ang kaniyang asawa.

Ayon sa ulat, kahit pa kasi madalas ang pagkikita nila ng kaniyang misis ay hindi nito maiwasang tawagan ang kaniyang asawa. Depensa naman ng lalaki, nagagawa lamang niya iyon dahil sa labis na pagmamahal sa kaniyang misis.

--Ads--

Lumalabas din na gumagamit pa ang mister ng hidden number feature ng kanyang smartphone upang hindi siya matukoy ng misis.

Sa isinagawang imbestigasyon, lumalabas na nagsimulang gawin ito ng lalaki noong July 10, 2024 hanggang August 4, 2024.

Hanggang sa napansin na ito ng misis, dahil aniya dumadalas na itong mangyari sa kaniya, kung kaya’t napagdesisyunan na niyang humingi ng tulong sa mga otoridad.

Ayon sa pulisya, ang kaso ng husband ang pinakaunang insidente ng phone stalking na sangkot ang mag-asawang magkasama naman sa iisang bubong.