Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang gagawin mo kung ang misis mo ay magkaroon ng boyfriend?

Tatanggapin mo kaya ito? Kamakailan kasi ay nag-viral sa social social-media post ang setup ng mga social media influencer sa Japan.

Ngunit imbis na ang produkto ito paingayin sa social media, ang kanilang kakaibang setup ang naging agaw atensyon.

--Ads--

Ayon sa ulat, tatlong taon na raw na kasal ang mag-asawa mngunit ang setup ng mga ito, sila ay nasa isang open relationship?

Ngunit hindi lang iyan, dahil kasama pa umano sa iisang bubong ang boyfriend nito, na tinawag namang three-way relationship.

Kung na-shock man ang netizens sa rebelasyon ni Prince, balewala lang yun sa kanya. At sa katunayan, noong hulyo ay nag-post si Prince ng video habang sinasalubong niya si Seira na kaniyang misis at ang boyfriend ng kaniyang misis sa airport.

Nang tanungin naman si Prince tungkol sa kung gaano nga ba kahaba ang kaniyang pasensya, hirit nito na mas naaawa siya sa mga nagiging boyfriend ng kanyang misis dahil hindi siya kayang palitan ng mga ito sa puso ni Seira.