DAGUPAN CITY- Binabalak ng ilang grupo na bumuo ng Task Force Migrante upang tulungan ang mga Overseas Filipino (OFW) sa Middle East.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Criselda Pacis Fiel, Chairperson ng Migrante Philippines, aniya, makakatuwang nila ang Migrante International, Baclaran Church, at ilan pang mga grupo.
Aniya, magkakaroon sila ng pagtitipon sa March 12 at tsaka nila iaanunsyo sa buong mundo ang kanilang nabuong grupo.
Sa kasalukuyan, tinitipon nila ang mga OFW at pamilya ng mga ito sa iisang group chat upang personal nilang mainterview.
Mananawagan naman ang kanilang grupo sa US Embassy upang makatulong sa mga naipit na OFW sa giyera sa Middle East.
Gayunpaman, hindi nila ikinatutuwa ang mabagal na kilos ng gobyerno hinggil sa nasabing pagtulong.
Subalit, tanging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may kakayahang mabigyan ng repatriation ang mga OFW.
Bukod pa riyan, sinusulong din ng kanilang grupo ang pagtigil sa pagpapadala ng mga manggagawa sa Middle East dahil maliban sa giyera, nakakaranas rin ang mga ito ng pang-aabuso.
Panawagan naman ni Fiel sa mga bansa sa Middle East at sa Estados Unidos na itigil na ang giyera dahil nakakaapekto ito sa kalagayan ng mga tao at ekonimiya sa buong bansa.










