BOMBO DAGUPAN- Ipinagdiwang ni Michelle Madrigal at ng second husband niyang si Kevin Neal ang kanilang isang buwang anibersaryo mula nang sila ay ikasal.

Sa isang post ibinahagi ni Michelle ang ilang larawang kuha sa kanilang pag-iisang dibdib ni Kevin.

Ayon kay Michelle, sa isang buwan nilang pagsasama ay nadiskubre niyang mas lalong gumaan ang buhay niya dahil kay Kevin.

--Ads--

Marunong daw kasi itong makinig, mag-alaga, at magmahal hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa anak niyang si Anika.

Pundasyon din ng kanilang pagmamahalan ang pareho nilang paniniwala sa Diyos.

Matatandaan na kinumpirma ni Michelle na siya ay single ulit noong August 2023.

Ito’y matapos ang ilang buwang haka-haka tungkol sa hiwalayan nila ng American boyfriend niyang si Kyle.

Ikinasal naman sila ni Kevin noong July 22, 2024.