DAGUPAN CITY- Lubhang naapektuhan ang kita ng mga tricycle driver sa Mayombo-Caranglaan dahil sa matinding baha.
Ayon kay Kuya Benny ng Mayombo TODA, P100 kada araw na kita ay sapat lamang sa gasolina at pagkain, at doon na rin siya natutulog sa tricycle dahil sa baha sa kanilang bahay.
Samantala, ilang kuliglig drivers tulad ni RJ, isang dating mekaniko mula Malasiqui, ang pansamantalang nakikinabang sa sitwasyon.
--Ads--
Bagama’t hindi raw kalakihan ang kita, nagpapasalamat siyang may naipapakain pa rin sa pamilya.
Naglabas na ng maagang evacuation advisory ang Lokal na Pamahalaan ng Dagupan dahil sa sunod-sunod na bagyo.
Patuloy ang monitoring ng mga awtoridad habang nananatiling alerto ang mga residente.