DAGUPAN CITY- Hindi na mawala sa mga residente ng Israel ang kaba ngayon muling sumiklab ang palitan ng pag-atake ng bansa, Estados Unidos at Iran.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kristine Soriano, Bombo International News Correspondent sa Israel, simula alas-8 pa ng umaga (oras sa Israel) nang makatanggap sila ng pag-alarma at patuloy silang nakakatanggap.

Aniya, kinakabahan sila sa tuwing makatanggap ng alarma dahil kinakailangan nilang makapasok agad sa loob ng shelter.

--Ads--

At sa tuwing may pag-atake, nararamdaman nila ang mga pagsabog.

Nakakatanggap naman sila ng mensahe sa kanilang cellphone kapag ligtas na silang makalabas sa kanilang shelter.

Sa ngayon ay wala pang katiyakan kung kailan magtatapos ito kaya patuloy lang din ang kanilang pag-antabay sa mga abiso, lalo na ang embahada ng Pilipinas.

Pinaalalahanan sila na gawin prayoridad ang kanilang kaligtasan, lalo na sa tuwing may pag-atake.