DAGUPAN CITY- Nakitaan ng pagbaba ng bilang ng naging pasyente ang bayan ng Manaoag noong nakalipas na Semana Santa na nasa mahigit 50 kumpara sa mahigit 150 noong nakaraang taon.

Ayon kay Dr. Nicola M. Bethune-Malko, Head ng Municipal Health Office (MHO) ng Manaoag, na kahit marami ang naging bisita ay kakaunti lamang ang bilang ng mga pasyenteng natugunan ng kanilang mga medical station sa buong pagdiriwang ng Semana Santa

Ayon sa kanya, naging preparado sila at ang mga bisita kaya hindi gaanong mataas ang naging bilang ng mga may medical issue.

--Ads--

Idinagdag pa nito na nagtakda sila ng dalawang medical station para sa mga deboto – isa sa labas ng simbahan na pinamamahalaan ng MHO kasama ang MDRRMO, at isa naman sa loob ng simbahan na pinamamahalaan ng Philippine Red Cross.

Karamihan aniya sa mga kaso ay may kaugnayan sa pagkahilo o dizziness na may iba’t ibang sanhi at ang dehydration dahil hindi sila nakakainom ng sapat na tubig, lalo na ang alay lakad.

Saad niya na mayroon din namang mga kaso ng sobrang taas ng presyon ng dugo at dalawang kaso ng medyo malalang sitwasyon pero naagapan agad.

Pagbabahagi niya na nasa humigit-kumulang 80% ng mga kaso ay pagkahilo o dizziness, samantalang ang 20% naman ay mga minor na sugat tulad ng muscle sprain, pasa, at gasgas na nangyayari habang naglalakad.

Samantala, Ayon kay Mayor Jeremy “Doc Ming” Rosario na marami parin ang bilang ng mga taong bumisita sa kanilang bayan sa nakalipas na Semana Santa sa kabila ng Krisis sa Langis.

Aniya na batay sa kanilang estimated ay umabot ng Humigit kumulang isang milyon ang mga debotong pumunta sa Simbahan sa ilang araw ng Holy Week.

Nagpasalamat naman ito sa naging tulong ng mga resoonders dahil walang nangyaring malalang insidente at ang naging libreng sakay na handog ng probinsya sa mga deboto.