BOMBO DAGUPAN- Hindi sinang-ayunan ni Sen. Risa Hontiveros ang kondisyon ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy sa pagsuko nito dahil wala umano itong karapatan.

Kabilang na sa hinihinging kondisyon ay ang pagtitiyak ng MalacaƱang na hindi siya ipapadala sa Estados Unidos, kung saan nahaharap din ito sa katula na kasong kriminal.

Sinabihan din ni Hontiveros si Quiboloy na itigil na nitong gawing human shield ang mga myembro ng KOJC.

--Ads--

Saad pa niya na itigil na din dapat ni Quiboloy ang pagdadrama at lumabas na ito sa kaniyang pinagtataguan.

Samantala, inulit ng abogado ni Quiboloy ang kaniyang mga kundisyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Partikular na ang maglabas ng kasulatan kung saan idinedeklara nitong hindi na ibibgay sa US si Quiboloy kapag sumuko na ito.

Matatandaan na kinasuhan ito sa US ng pakikipagsabwatan sa sex trafficking sa pammamagitan ng pwuwersa, panloloko, at pamimilit, gayundin sa sex trafficking ng mga bata. Kabilang din si Quiboloy sa wanted list ng Federal Bureau of Investigation.