Nakaantabay ang buong kapulisan ng rehiyon uno para sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral sa susunod na lingo, June 16.
Kung saan ayon kay PBGen. Lou F. Evangelista ang siyang regional director ng Police Regional Office 1 na sa pamamagitan ng bawat Pangasinan provincial offices sa rehiyon ay kanya ng kinoordina ang mga dapat nilang gawin at kahandaan para sa oplan balik eskwela upang matiyak na maging maayos at ligtas ito.
Aniya na ang bawat chief of police na rin ang mamamahala sa abwat ekwelahan ng kanilang nasasakupan.
Kanila ring tinitiyak ang buong presensya ng mga kapulisan sa mga ligar na kinakailangan.
Bukod pa rito maging ang mga dormitories ay kanila ring babantayan para sa mga mag-aaral na ito ang nagsisilbing kanilang tahanan habang sila ay malayo sa kanilang pamilya dahil sa pag-aaral.
Mas Lalo pa nilang paiigtingin ang pagpapatrolya sa bawat lugar ng rehiyon para mapanitili ang ligtas na lugar at maiwasan ang mga insidente na posibleng maitala.
Bukod dito ay katuwang din sila sa isinasagawang brigada eskwela na nagsimula naman noong lunes.
Aabot naman sa mahigit isang libo ang nakatakdang ideploy ng tanggapan para sa balik-eskwela.