Dagupan City – Mabilis na rumesponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng San Jacinto at ang Rural Health Unit matapos ang isang aksidenteng kinasangkutan ng isang sasakyan sa Barangay Magsaysay pasado alas-otso ng gabi.
Pagdating ng mga responder, agad nilang sinuri ang sitwasyon at isinagawa ang kinakailangang paunang lunas sa pasyenteng nasangkot.
Mabilis ding inayos ang lugar upang maiwasan ang karagdagang abala sa daloy ng sasakyan at matiyak na maayos ang paglipat ng pasyente para sa karagdagang pagsusuri.
Patuloy ang paalala ng mga awtoridad na maging maingat sa kalsada lalo na sa gabi kung kailan limitado ang visibility at mas mataas ang posibilidad ng insidente.
Hinihikayat din ang mga residente na tumawag sa mga opisyal na hotline para sa agarang tugon sa anumang emerhensiya.










