DAGUPAN CITY- Inilatag na ng Civil Service Commission Field Office 1 ang knilang mga iba’t ibang aktibidad kaugnay sa selebrasyon ng ika-124 na anibersaryo ng Philippine Civil Service ngayon buwan ng Setyembre.

Ayon kay Flordeliza Bugtong, Director II ng naturang tanggapan, nakipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya para sa kanilang mga isasagawang mga aktibidad na magsisimula ngayon araw ng Setyembre 13.

Kabilang na sa mga aktibidad ang Thanks Giving sa San Carlos City, Outreach program sa Bureau of Jail Management and Penology- San Carlos City, pamamahagi ng tulong sa mga piling benepisyaryo, tree planting at coastal clean up activity, at iba pang mga programa.

--Ads--

Ito ay bilang pagkilala nila sa mga kawani ng gobyerno at mga public servants para sa kanilang dedikasyon sa pagsilbi sa bayan.

Bahagi din sa kanilang tagumpay ang isinasagawang selebrasyon simula nang maitatag ito noong Setyembre 19, 1900s.