Dagupan City – Nakararanas na ng mataas na heat index ang lalawigan ng Pangasinan kung saan umabot ito sa 40°C ang heat index at inaasahang lalo pang tataas sa mga susunod na araw.
Nagbabala ang mga awtoridad na maaaring tumagal ang matinding init mula Abril hanggang kalagitnaan ng Mayo 2026, na posibleng makaapekto hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi pati sa mga alagang hayop gaya ng manok.
Ayon sa mga lokal na beterinaryo, wala pang kumpirmadong kaso ng namamatay na manok dahil sa init, ngunit posibleng may hindi naiuulat na insidente.
--Ads--
Pinayuhan ang mga poultry raiser na magpatuloy sa pag-iingat tulad ng sapat na bentilasyon at tubig upang maiwasan ang heat stress sa mga alaga.










