Nakapagtala ng mga kaswalidad sa Northeast Philadelphia matapos bumagsak ang isang maliit na eroplano sa isang residential area.
Nangyari ito malapit sa Cottman Avenua at Roosevelt Boulevard, alas 6 ng gabi, oras sa Philadelphia.
Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA), lumipad mula sa Northeast Philadelphia Airport ang Learjet 55 patungong Springfiled-Branson National Airport sa Missouri kung saan amy dalawang tao itong sakay.
--Ads--
Sinabi naman ng mga kapulisan na nasa medical assignment ang naturang eroplano.
Napag-alaman naman na maaaring tinamaan ng pagbagsak nito ang ilang mga gusali at sasakyan sa nasabing residential area.
Samantala, wala pang inilalabas na kabuoang bilang ng kaswalidad at danyos mula sa plane crash.